Ang sikip ng uniform ko. Di maganda yung tela, umuurong pag nilalabhan. (palusot) sa susuotin na sapatos, sa baon na
Sinundan ng pagkabadtrip sa Enrollan. Bwakanang pakingwat~ BAKIT ANG KONTI LANG NG TAO KANINA?? Aysows, ang plano talaga namin ay sa 24 kami mag-eenroll. Second day ng enrollan para sana medyo konti na lang yung madlang pipol dahil natuto na din kami sa bwakanang haba ng pila daig mo pa ang nakapila sa istarstrak at init na mala-impyerno at amoy na parang hinahalikan ka ni satanas (howeyt? Anong amoy yun?) E omaygas, mukang lahat ng tao e ganun din ang inisip na istrategy. WAT. Nakakainis talaga. Maiyak-iyak na ko dahil nakita ko si ~HS~ nag-enroll na kanina. Huhuhu di tayo klasmeyt. :( Nyaks. So ayun ayoko ng isipin yan, di matapos tapos ang pagbwisit ko.
Medyo napawi ang pagkabwisit ng kami ay kumain na. Dinayo pa namin ang pagkalayo-layong Jalibi sa pagkalayo-layong lugar na hindi ko alam ang pangalan, at aking nadiscover si Rommel pala ay isang Excape Artist. Huwaw. Medyo nakakalungkot dahil nakakalimutan ko na si Jalibi, dati-rating palagi na lang Jalibi ay naging Mcdo o KFC. Nakakalungkot na iwanan ang pers lab, di na kasi ako nasasarapan sayo Jalibi e. Im so Sorry pero sana tandaan mo na sayo ko unang naranasan ang sarap at ikaw ang pers lab ko. <3
Medyo napawi ang pagbawisit part II ng mageksplor sa Quiapo with Monta-M. Holy-holy-han at window shop/canvas ng DSLR. And the rest is history. at ang pinakadabest e ay ang nang maabutan ako ng nagbabagang ulan sa SM Manila sabayan pa ng sobrang sakit na paa na gusto lamang magpahinga. Dahil hindi ko nakayang magtiis na tumayo at mag-intay magpatila ng ulan, sumugod na ko at naglusong nang nakayapak. Enjoy sa una at ikalwang parte na semi-naliligo na ko sa ulan habang nakaapak. Hanggang Monumento nakayapak lang ako ng magsimulang mangati yung paa ko. Letsugas. At ngayon nabubwisit ako dahil sa dalawang dahilan. 1.) ang kati ng paa ko!!*($#*%(&#% 2.) Dahil sa isang tao na SOBRANG EPAL at SSOOOOBBBRANG SINUNGALING. Arrggg *&%$*$^(#*
No comments:
Post a Comment