Gusto ko ng lumabas ng bahay. Grabe, siguro kung may bayad lang ang bawat pag-stay sa bahay ay mayaman na ako. Eksayted na ko bukas, kasi enrollan na. Eksayted akong lumbas ng bahay at makalanghap ng polusyon sa Recto. Pero hindi din talaga ako eksayted sa enrollan. Hmmm. Medyo tinatamad na ko. Hahaha anu e uhm medyo kinakabahan lang ako sa mga pwede kong maging kaklase. Putik. Ayoko magkaron ng kaklaseng halimaw. Putik na yan. Kahit gano ko iniidulo ang kanilang husay sa pagdrawing ayoko silang maging kaklase. Hahaha. Takot.
Eksayted na din ako magpasukan. Grabe nakaka-miss din palang bumyihe ng kulang isang oras at kalahati. Ang baliktad talaga natin no. Ngayong bakasyon reklamo ng reklmo na gusto ng pumasok, tapos pag may pasok gusto ng bakasyon. para sa kin, ang haba din naman kasi nitong 2 buwan, lalo na at kung wala ka naman pupuntahan. Grabe yun ha. 2 buwan lang nasa bahay. ni walang outing o kahit swimming lang. Summer na walang swimming. Anyare? Borrriiiiiing. Medyo natatawa din ako, namiss ko kasi bumyahe kahit eto yung pinaka-kinaiinisang part ko ng pagpasok. Pero di ren. sadyang buryong-buryo lang ako sa bahay kaya nasasabi ko ito. dahil alam ko pag sa pasukan, wala na naman akong ibang gagawin kundi ang magreklamo. At isa pang nakakainis ngayong bakasyon, sobrang nahihirapan ako matulog sa gabi minsan umaabot ako hanggang 2. Pero thank G' minsan lang ako umabot ng mga 3 ng madaling araw. jusko pag ganung oras na hindi na ako makagalaw sa pwesto ko, sasabayan pa ng tahol ng aso. Okay. boring wala lang talaga kong masabi. yak. ang unproductive ng isip ko. ang boring din ng post na to, kasing boring ng bakasyon ko. ttsssss -_-
hmmm medyo pinag isipan ko din kung ipa-publish ko ba tong blog na to. kase baka masira yung image ko. Kase sa totoo lang, wala naman talagan laman yung utak ko. Pinilit ko lang yung kamay ko na magttype ng kung anu-ano para may ma i-post. Tsaka kasi nakakaingget. hahaha pag nagbabasa ka ng ibang blog. hahaha naalala ko tuloy yung nabasa ko sa tumblr, kung walang maisulat wag ipilit. Nagiging mukang pathethic lang. parang ganun. e o well towell. inggitera ako e. hahaha kaya ayan. salamat sa iyo kung binasa mo hanggang dito kase nakakatamad din yan basahin.

No comments:
Post a Comment