5/4/11

Movie Review: Ded na si Lolo


Ang Ded na si Lolo ay isang comedy indiependent film na isinulat at dinirek ni Soxie Topacio at ipinalabas noong 2009.


Umiikot ang istorya sa pagkamatay ng isang kamag-anak, ang kanilang lolo at ang mga pamahiin nating mga Pilipino sa tuwing mayroon tayong patay sa pamilya. Mapa sa bawal magsuot ng kulay pula, bawal mag walis hanggang sa bawal maligo sa bahay ng may patay. Makikita dito kung gaano tayo kayaman sa mga pamahiin ;) At ang kwento ng isang tipikal na pamilyang Pilipino. Sa pag hahanda ng pagkain sa lamay, sa pamomoblema sa mga dapat bayaran sa punirarya, sa mga hinanakit at pagmamahal sa namatay na bigla na lang bumubuhos/lumalabas at kung minsan pa nga ay sa mga nakaraan nito na itinago [habang siya ay nabubuhay] ay syang nahalungkat pa din.

No comments:

Post a Comment