Ang cheesy e
Ma sentimental akong tao. Madaldal ako sobra, palaging nagkukwento pero minsan naiisip ko baka sa sobrang daldal ko e nagiging pasok sa kabilang tenga at labas sa kabila na ang ginagawa ng mga kinukwentuhan ko. At sobrang nata-touch ako pag nadinig kong mula sa kanila na may natandaan silang bagay tungkol sa mga nakwento ko, lalo na yung mga bagay na ayaw at gusto ko. Nakakatouch lang talaga.
PS. Kung nakakamatay lang ang selos, patay na ko ngayon.
No comments:
Post a Comment