2/13/11

First Meeting: Scene 2

1 ½ na oras akong naghintay para sa iyong susunod na klase. Dumating ka. Hindi ko alam kung titingin ba ako sa iyo o hindi. Ayoko kong makita mo kong nakatingin sa iyo dahil sigurado mukhang akong retarded nung mga panahon na iyon. May klase kana, nakita na kita, pero kulang pa e.  Di kita nakita, nasilayan lang kita. :/ hehe nagpagpasyahan kong maghintay uli ng 1 ½ na oras, at anong swerte maaga kayong pinalabas  ng inyong guro, YES!. Pero ano to, dalawa ang pinto ng inyong kwarto. Hindi ko alam kung saan ako pupwesto para makita kita ng mas maayos.  Una may lumabas kang kaklase sa pinto sa may kaliwa, pumwesto ako sa kanan para hindi mo ako makita, naghintay ako ng susunod na lalabas. Pero ano ito, may kaklase ka naman na lumabas sa kanang pinto. OH NO! Medyo hindi ko alam kung saan ako pupupwesto nun, pero di ako papatalo sa dalawang pinto na iyon. Dun ako pumwesto sa gitna ng lamesa sa tapat ng gitna na inyong kwarto, sa tapat ng galit na haring araw. Wala na akong pake kung nasa tapat ako ng initan, ang importante makita uli kita. (Jusko ang korni ng mga salitang naitatype ko. Ano ibig sabihin nito?)

Lumabas ka, YES :D, may lumabas ren na kakilala ko at dumiretso sya sa table kung saan ako at ang kasabwat nakaupo, ikaw naman papunta sa elevator. Naalala ko ang bawat sandali. Ang kakilala ko na kaklase mo ay nagsasalita hindi ko alam kung sino ang kinakausap nya,ang kasabwat ko nag-aaya bumababa, ikaw at ang mga kasama mo ay nasa harap na ng elevator. At ang iba ay pumapasok na.

Kakilala: blah blah blah
Kasabwat: tara baba tayo
Ikaw: Pumasok sa elevator.

Sa mga sandaling iyon parang tumigil ang mundo ko, Hindi ko alam ang gagawin ko, dahil isang maling kilos lang baka may makahalatang sinusundan kita. Oo sinusundan. –(para lang sa araw na iyon.)

Kakilala: blah blah blah
Kasabwat: tara baba tayo
Ikaw: Pumasok sa elevator.
Ako. Teka ano nga bang ginagawa ko?

Kakilala: “blah blah blah.”
Kasabwat: “tara baba tayo”
Ikaw: Pumasok sa elevator.
Ako: *bumubulong sa isip* mag-overload. Mag-overload. MAG-OVERLOAD. Tututut. Yes. Nag overload.
Ako: “tara baba/kain tayo.” (kasabwat)

Pumunta kami sa Elevator kung saan ay nandon ka pa kasama ang isa sa iyong kaibigan, naiwan kayong dalawa.  Pagpunta namin sa Elevator sakto namang bumukas iyon. Yes.hehe
Pumasok kame, o kayo. Sino ba ang nauna? Di ko na matandaan. Lumilipad na ang utak  ko noong mga panahon na iyon.
5 lang tao sa loob ng elevator. Yung operator, yung kaklase mo, yung kasabwat ko, at ikaw at ako. OO. IKAW AT AKO. –(ako kung kilala mo lang kung sino ako)

No comments:

Post a Comment