3/6/11

Ayoko ng naghihintay.

Ayoko ng naghihintay.

Magkikita kayo ng kaibigan mo sa isang lugar na napagkasunduan nyong maghintayan.

Nauuna ka sa inyong tagpuan at nagsimulang maghintay.

1,2,3 minuto ka ng nakatayo sa harap ng National kasama ang mga estrangherong maykakatagpuin rin.

4,5,6 may mga taong dumating at umaalis. Kumokonti na lang kayong mga naghihintay.

7,8,9 may naalala ka at lumalalim ang iyong iniisip at nakakagawa ka na ng istorya sa iyong isipan.

10,11,12 text ka na ng text sa kanya, nasabi mo na lahat ng mura sa kakatext sa kanya

13,14,15 inis na may halong galit. Bakit hindi sya nagrereply? Ano na kayang nangyari sa kanya.

16,17,18 Malapit na ko/Papunta na ko dyan Sorry talaga. Text mula sa kanya.

19,20,21 Medyo mawawala ang iyong inis dahil alam mong anu mang saglit ay darating na sya.

22,23,24  Ayaw mo ng pakiramdam ng nag iisa. Mga taong dumarating at umaalis. Mga estrangherong hindi sinasadyang makakatitigan mo sa mata. Waring may gusting sabihin.

25,26,27 Wala pa din sya at iniisip mo na pano mo sya susumbatan bakit ang tagal nya, naiisip mo na rin umalis (kung hindi importante ang inyong pupuntahan)

28,29 Wala pa rin sya, nakakunot na ang iyong noo sa galit at lahat ng taong dumadaan ay kinaiinisan mo na.

30 umalis kana.

No comments:

Post a Comment