Okay~ Dati ay medyo napahiya/pinahiya ko yung sarili ko sa forum ng mga amateur at pro photographers. Nagtanong ako tungkol sa pag-eedit ng pics. Tanda ko mga ganto yung tanong ko, “Okay lang po ba mag-edit ng pictures? Kasi pag ako po ineedit ko yung pictures ko e feeling ko nagkakasala ako, kasi hindi na natural yung picture na nakikita/pinapakita ko sa tao.” HAHAHAHA Para kasi sakin, di na yun yung natural, kumbaga para taong panget lang yan tapos nagparetoke at tinanggap na ng madlang pipol. Parang sa totoo lang e ang shit talaga ng kuha pero napabongga ng edit. E di ayun, sa ngayon e medyo na overcome na yung kaengotan na yun, ngayon, Pag photoshoot hindi ko masyadong ginagalaw yung pictures, sa light at chenes lang, di rin kasi ko marunong nung mga pinapaputi, tapos pinapapayat. Mas trip ko i-edit yung mga kuha kong kung anu-ano.
At eto na ang bagong gagong problema ko, hahaha paglalagay ng Watermark/Copyright chenes. Sa totoo lang e ayoko naglalagay nun, hindi kasi nakikita ng buo yung picture, may mga elements na natatakpan, kaso nadala ako, nag collab kami ng hs classmate ko dati. Model namin yung kaklase nya tapos nung inilabas na yung mga pictures yung other classmates nila sa kanya binigay yung credit dun sa mga kuha ko, kasi nga walang Watermark/Copyright. Tapos yung sya at yung model e hindi man lang kinlaro (ata wala kasi kong nabasang comment dun e) Unfair naman diba. Ate ko lang mahilig magpalagay ng watermark pag pinipicturan ko sya, tsaka pag nakakita kayo ng lates pic ko na may watermark, e super proud siguro ko sa gawa ko. Pero sinasabi ko din, hindi naman ako “pro” pa para mag watermark chenes, para nakawan ng kuha tsaka e di nakawin kung nakawin. Meron ngang mas above sakin pero hindi naglalagay ng watermarks. hahaha tsaka asa naman, wala naman sigurong magnanakaw ng mga shit shots ko. Gusto ko lang naman icredit ako. HAHAHA feeler lang talaga ko.
Ayun. Alam ko ang babaw na naman ng pinoproblema ko, patawarin abnormal e.
Diba mas maganda pag wala?! hehehe


No comments:
Post a Comment