(Matagal na to, galing dun sa isa kong blog. Nakakatuwa lang balikan.Nakakatuwang mga ano siguro Aug2010)
isipin na pangarap kong maging writer. Seryoso. Bago pa man ako ma linya sa pagkuha ng litrato e gusto ko na talaga sumulat. nabuo ata tong pangarap na to nung gr6-1st yr hs. na inspyr ako sa kaibigan kong gumagawa ng nobela at eto yung mga panahon na nakakabasa na ko ng mga likha ni bob ong. Naisip ko lang e halos limang taon ko na pala inaasam na maging witer pero ni isa e wala pa akong naisusulat. Nakakatawang isipin lang. Pano nga ba maging writer? kelangan bang nobela talaga ang sinusulat mo? labstori o kung anek anek. Kase kung sa aken nyo ipapa judge ang pagiging writer ko e ,mas more on (naks) sa pag kkwento ako ng experience ko sa buhay. yung mala tipong Dear Diary ba. ewan. nakaka ewan na feeling lang. Gusto ko balang araw e me mabasa kayo at maantig ang puso niyo feeling nyo e nasa fairy tale kayo tas pag tingen nyo kung sino writer e ako pala. hehehe
wala lang. sumagi lang sa isip ko.
No comments:
Post a Comment