Naman e. Palagi na lang akong follower. Deh. Follower na naglilider lideran pero babagsak din sa pagiging follower.
-----
Enrolled na ko. Isang linggo na ang nakaraan. at dalawang linggo na lang pasukan na uli. SECOND YEAR NA AKO! WUHOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO! Eksayted na ko pumasok. OO Eksayted talaga. Eksayted lang pumasok pero hindi para gumawa ng plates or whatever. at blangko pa din ang utak ko. Pero sa totoo lang, nag uumapaw talaga sa kaewanan yung utak ko.
-----
Bromine Reunion.
Naman. Putik. Hindi matutulo-tuloy. Ang daming hadlang. Sobrang napakaraming delaying tactics ang inihulog ng diyos at sinalo namin para di matuloy-tuloy tong bawakanang pagkikita-kita. Huwel, medyo frustrated ako, kasi ako na yung naglider lideran. So pag hindi pa natuloy tong pinaplano ko e masisira ang image ko for sure. <selfish> E Gusto ko ng swimming kasi? Ano itong buong bakasyon di pa ako nakakapag swimming, nakalimutan ko na ata lumangoy. Na-miss ko kasi mag ala dyesebel e. Pasensya naman ha. Yun lang naman ang akin, 1.) Yung imahe ko masisira pag hindi natuloy yung pinlano ko. <selfish> 2.) Gusto ko mag-ala dyesebel. <selfish> Oo, prostitute* ako na talaga ang <selfish> Patawarin.
-----
Photog101
Tinatamad ako mag Photog class. 1.) Feeling ko may ine-expect sila sakin na ewan. Ang hirap i-explain e. Kasi siguro dahil may camera na ako, at nagpo-photoshoot na din, Pero hinde e! Hindi naman dun nasusukat yun e. At tsaka itong mga nagdaang panahon ay medyo nawala din yung pagkahilig ko sa Photog or dala lang ng 2.) Gusto ko ng new gear o kahit new lens. Oo ngayon pa lang naiingget na ko sa mga may new cam.
-----
Naguguluhan din ako sa buhay ko. Nakakahiya sa Lipunan na nagkaron sila ng kagaya ko. Feeling ko isa lang ang solusyon para matapos na ang mga pinagdadaanan kong ito. Kundi tapusin na! tapusin na ang blog post na ito.
PS. As usual ang lame nito kasi pinilit ko lang din ulit na may maisulat. FML. Wagas na FML. At oo, kung gano kababaw ang luha at kasiyahan ko ay ganun din kababaw ang mga pinoproblema ko.
PPS. Maiiyak na talaga ko ngayon. Nakalimutan ko manuod ng 300 (GMAdocu) WTF!!! FML!! Bakit yun pa ang nakalimutan kong panuorin? So ngayon pa lang I demand for a replay! (oy english yun ah) HUHUHUHUHUHUHU T________________________________T
No comments:
Post a Comment