Isang parte ng highschool ang namimiss ko ay yung pagbbaby nila sakin. Noong una, nakakainis, isip bata, child like, etc kung anu-ano sinasabi ng iba pero ngayong college na ko namimiss ko yun. 3rd year dun ako sobrang naging pala-asa sa ibang tao. tipong inaayos nila yung uniform ko, sila yung nagriribon ng ribbon at point na binibilhan ako ng recess :P oo epal talaga ako, gusto ko ako yung center of attention, gusto lahat sila ay may paki sa kung ano ang gagawin ko. gusto ko din ako yung nasusunod. lider-lideran nga, pero in a way na hindi naman bossy. eh?
Pero ngayong college ko lang naisip na binebeybi nila ko, na kahit papaano e sabihin nating umikot yung mundo nila sakin, nag-aalala sila sakin at inisip din nila ko, kasi feeling ko buong buhay ko ako yung palagi na lang nakikipag kaibigan, ako na lang palagi yung sumusunod, ako na lang palagi yung gumagawa ng mga bagay na ikasisiya niya/nila at ngayon ngang college, naranasan ko yun, alam mo yung ang saya kasi meron ng tao na gagawin din kung ano yung gusto mo, yung alam nyang nagseselos ka pag may ibang lumalapit o sumama sa kanya, at dadating pa sa punto na tatanungin ka nya kung kung gusto mong layuan nya yun para lang sayo (?) hahaha yung ipagtatabi ka nya ng upuan, gagawin nya yung dapat nyong gagawin kung wala ka sa klase at kung anu-ano pang bagay na ikinasasaya mo at siguro dumating sa punto na sobrang na overwhelm, nalunod ako sa atensyon na binigay sakin na yung pansariling kasiyahan ko na langyung inisip ko. Noong nalaman kong nagseselos din pala sya pag meron iba akong kasama, naintindihan ko sya, pero sa halip na gawin ko yung ginawa nya sa akin e siguro mas lalo akong na overwhelm na meron din palang tao na magseselos sakin.
Ma-sentimental akong tao. kahit na palagi akong makakalimutin, natatandaan ko pa din yung pinaka simpleng bagay na binibiggyan ko ng malalim na kahulugan. Yung sa sobrang kasimplehan nya e hindi mo na din maiisip na may sentimental pala yun. at ngayong araw na to, naiinis ako. minsan lang akong magpakita ng sobrang _____ (uhm di ko alam kung anong term ang dapat sabihin e) na disappoint ako. Oo disappointed nga.
Naisip ko din yung nangyari dati, bakit ang hirap ibalik kung anong meron dati? Kasi hindi naman talaga ganito e,
[/edit]
Balak kong dagdagan, pag sinipag ako. Gusto ko lang talaga syang ipost ngayong araw na ito.
Giselle,Osh,Mapx at Hershey. miss ko na kayo. :3
Naisip ko din yung nangyari dati, bakit ang hirap ibalik kung anong meron dati? Kasi hindi naman talaga ganito e,
[/edit]
Balak kong dagdagan, pag sinipag ako. Gusto ko lang talaga syang ipost ngayong araw na ito.
Giselle,Osh,Mapx at Hershey. miss ko na kayo. :3
No comments:
Post a Comment