6/21/11

Road Trip 2011

Kanina habang kami ay tipsy pa naglalakad kung saan pwedeng kumain ng lunch. At ayown sa Iron Chef kami kumain nag-usap usap ng mga magagandang trip na pwede naming gawin. Pagkatapos naming kumain e naisip na lang naming mag grocery trip. blah blah blah e anong kagaguhan habang papunta kameng Ever ay mas na tripan na lang naming mag road trip hahahaha nag bus kami nagtanong san na ba ang pinakamalayong mararating ng Php25 Pasig daw edi call na kame. On the way to Pasig yung kasama naming freshie aya ng aya ng bumalik sa school. Hahahaha At dahil medyo traffic den e hanggang Edsa Shrine lang kami pero malapit na din daw pala dun yung Pasig eklavu. Epek lang nag CR sa isang mall na ewan. shemay yung mall na katapat ng Robinsons Galleria lupet lang walang ka utaw utaw. Hahahaha Feeling ko nasa isang video game kame at isa isang lalabas ang mga kalaban mala left for dead lang. Grabehan talaga hahahahaha taeng yon walang katao tao medyo creepy lang. At bumalik na kaming school on the way e putek ang daming pangitain na malapit na kaming mamatay. Tae yung isang nagnhihingi ng abuloy “Ingat kayo pauwe.” Hahahaha Fuck e halos ang topic din namin sa biyahe e baka may suicide bomber na kaming kasakay tapos ganon pa hinirit nya samen. isang oras at kalahati ata yung byahe namen, bwiset kasing traffic e nagkasala na naman tuloy ako ng maraming beses sa pagmumura. Mga 4pm nakabalik na kaming school at swerte din na yung dalawang subject na nag cut kuno kame para lang mag road trip ay di pala dumating. HAHAHAHAHAHA. THE END.


PS. Patawarin sa isang buong nakakaboring na paragraph. Isang bagsakan e. May natatawa pa kong naiisip na nagyari kanina, kaso ang feeler ko naman masyado para i-kwento pa iyon. :P Hahahahahahahahaha Tawa ko ng tawa ngayong araw malapit na nga siguro akong mag babay. BABAY.

No comments:

Post a Comment