6/27/11

Ligo na U, Lapit na me



Salamat kay Pepe, sa Cinemalaya 2011, kay Aicel at kay Kuya RickƎn.


Pinost ni Pepe Diokno (feeling close ako) sa tumblr nya ang mga entries sa Cinemalaya 2011, tumingin tingin ako ng mga title na nakakatuksong panuorin at isa ang Ligo na U, Lapit na me ang nagustuhan ko. taktaktak search ng trailer at inistatus sa fb, ui guise nuod tayo nito. Nagtweet si Aicel, "Pero parang gusto ko munang basahin yung libro bago panuoden" ako napa-isip wow ay libro pala to date at naalala ang nakitang wall picture ni Kuya RickƎn sa fb ang picture nang kanyang bagong binabasa, ang Ligo na Ü, Lapit na me. Salamat sa trailer, kase kung hindi ay malamang wala itong "rebyu-rebyuhan" na to. Ilang beses ko nang dinadaan-daan, iniisnab-isnab at dinededma ang librong ito pag nakikita ko sa counter ng National Bookstore. Oo, hindi ako nahuhumaling sa cover nito, feeling ko pa ay may pagka-political chorva ang takbo ng kwento, at sa muli salamat sa trailer ^^ hehehe wala na kong masabi. Inshort hindi ako nakiliti sa cover. Haha meganon.


dundundundun. Eto na ang "rebyu".


Syempre, sa mga hindi nabasa ang libro ang unang nilang tanong sa nakabasa ay, "Maganda ba?"  as usual ang ang pwede kong maging sagot ay, Okay lang, Epek na! asssuuuuusss!


Sa unang chapter ng libro, hindi swak ang Okay na at Epek lang na comment ko. Maganda nga! pero may mga parte na feeling ko ay napakalayo na ng sinasabi ni Intoy o ng writer sa kwento. Freedom of speech. sige na.  nagpapaka Anton Hugo ako at mala-Intoy na den. Sungit-sungitan ang drama! Abeeer!
Maganda ang simula, pero sa pagpapatuloy ko ng pagbabasa ay hindi ko mapigilan ang aking sarili na umisip ng ibang tao. Haha. Hindi ko mapigilang hindi maisip si Bob Ong at ang mga libro nya at hindi ko mapigilang ikumpara. yayayatayatayataya blah blah blah. 
At sa pagpapatuloy ng pagbabasa ng libro ay, naisip kong ang sarap kakwentuhan ni Intoy. Hoy kawentuhan lang at hindi kalaro. hahaha Madaldal ako, pero siguro kung makakapagkentuhan kami ni Intoy ay sya palagi ang bangka. Kase naman may mas sense ang mga sinasabi nya kesa sa akin na palagi kong kwento sa mga HS friends ko pag nagkakita-kita kame "alam mo natae na ko sa school" yakyakyakitidak. Bawat sentence na nababasa ko ay, buhay na buhay ang aking imhinasyon. Salamat uli sa trailer, hindi ko na papahirapan ang sarili kong i-imagine kung gaano kapangit si Intoy. Hahaha Yun ang sabi nya sa sarili nya e. Hindi naman masama. Hindi naman pangit si Edgar Allan Guzman na gumanap na Intoy sa sinapelikulang libro. May itsura. Punyeta ano ang itsura ng may itsura? E lahat naman ng tao ay may itsura. Pagkabasa ko ng moment na yun ay, napa moment din akong hindi ko na gagamitin ang phrase na yon sa pagde-describe ng isang tao. Oo nga naman, lahat naman tayo ay may itsura, ang tanong lang maganda ba o pangit? O pwede na?


O sya sige ayoko ng makipag ututang dila, may plate pa kong gagawin.

Maganda ba yung libro?
Basahin mo. Iba-iba tayo ng panlasa. Ang masarap sakin ay pwedeng mapait sayo. Ang hindi masarap sakin ay baka maalat sayo. Sulit ang Php200 mo. Punong-puno ng letra ang libro kase medyo maliit ang sukat ng mga letra. Kung baga sa puno, hitik na hitik sa bunga. Hehehehe


Bakit may design pa ang mga panti? E hindi naman ito nakikita ng ibang tao?


PS. Feeling ko ay wala lang din kayong naintindihan, kase yung pananaw ko lang din sa buhay ang na-ishare ko. Hahaha Kase basahin nyo. May uuurrrrrmmmmmffffff kasi sa dulo yung kwento. Ayun na. Di ko na tatapusin, kase hindi naman lahat ng bagay ay may closure, o sa tingin ko, o sa tingin ni Intoy, o sa tingin ni Eros S. Atalia.

No comments:

Post a Comment