7/18/11

Wanted: Kasambuhay sa Habambuhay

“Sama tayo rally, walkout sa Tuesday 1pm.” Text ko kay Jao, na pinorward ko na din sa iba na sa tingin ko ay may pag-asang sakyan ang trip kong  ito. Bago pa man pumasok sa kolehiyo, e nasa hindi nag-eexist na to do list koi to. 3rd yr hs ata ng medyo nangarap akong maging aktibista. Ewan ko ba, parang may something na force na ewan, pag nakakakita ako ng may nagrarally (yung nagmamartsa) hindi pwedeng hindi ako mapatigil. Siguro may inner warrior in me, o baka sa past life ko e aktibista pala ko, o baka naman dun ko pala matatagpuan ang nakatakda para sa akin. Hahaha echos lang.
Kidding aside (Yes, meganon) Meron na akong nag-eexist na to-do-list ngayon, para sa taong ito lang. Naisipan kong gumawa nung new year, habang yung iba e New Year’s Resolution ang pinagkakaabalahan, ako “mga bagay na gusto kong gawin ngayong 2011” naman. Wala lang, baka kasi magkatotoo yung 2012 rapture eklat o di kaya ay may cancer ang drama ng lola mo, tuma-taning ang buhay.
Sa totoo lang nalulungkot ako at nabubwiset. Sa dinami-dami ng kaibigan ko ay wala naman akong makasama para gawin yang to-do-list na yan. EHEM! Nakapagtataka, sanay naman akong mag-isa (yeehheessss dumadrama) pero syempre gusto ko may kasama, para mas masaya. The more the manyer nga diba!!!! So, gusto ko talaga sumama sa walkout sa Tuesday, kaso (hay ang sakit itype nito) malamang e (hingang malalim) hindi ako makapunta. (hingang malalim uli, medyo maluha-luha ang mata) Gusto ko din pala manuod sa Cinemalaya kaso, (hingang malalim, kuha ng tali // bigti)
Kung pwede lang sana mang-arkila ng makakasama, kaso wala nga pala kong pang-arkila. Paksyet.

No comments:

Post a Comment