4/12/12

holla sup bitches deh.
hmmm. 
alam ko nilisan ko na ang pahinang 'to, it's just i miss blogspotpotpotptot. -_- lame-o.
tandaan: 'wag magpilit magsulat kung walang maisulat.
alam mo yung minsan masarap bumalik sa nakaraan, kaso may semi-amnesia rin ako.
at tsaka wala rin talagang ka sense sense 'tong pinagtatype ko pero wala lang gusto ko lang makakita ng mahahabang post dito. x


sa totoo lang nung nagising ako kaninang umaga medyo badtrip ako nasa isip ko lang 'walang kwentang summer' tsaka simula kahapon iritable ako. pms-ing kahit hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng bawat letra ng pms


nasa bundok si madelia dapat kasama din kami ni ea kaso hindi ko na feel magbundok ngayon o should i say di ko feel ang mga kasama(?) ayos na din kasi nga meron ako ngayon imagine mo naman yun sa bundok walang papel at mala-hell ang inet, mala survivor lang ba? atlis sa survivor napapaligiran ng ka-tubig-an


gustong kong magbalik na ewan. masakit lang makita sa mata yung 0 comment sa baba. lantad na lantad poorita e waley reader at tsaka hindi ko alam at hindi ko na makita kung pano ba ma-i-edit yung 'made with love' eklat. hay ewan


kahapon meron ako nabasang hindi ko dapat mabasa. medyo dyahe ang hirap e explain feeling ko tuloy nagkasala ako dun


wala na nga pala si gohan, at hindi ko alam ang dahilan. rip daw e mej boring na din yung draw something app sa una lang masaya at nakukonsensya na ko sa bagay na ang hirap i broadcast dito. simpleng kaartihan lang :p


madami dami din pala akong naisulat dito hindi tulad dun sa bago kong tahanan, di ko rin alam kung babalik ba ko pero pumapayat daw ako, anong say mo?







10/3/11

Noypi nga naman


Pag meron silang kababayan na nagkamali/nagkakamali/nagkasala imbes na tulungan nila lalo pa nilang uhhmmm (insert word here) imbes na magtulungan e sila pang nagsisiraan crab mentality ika nga. E ang two cents ko lang naman dito e, yung mga hinayupak na kala mo kung sinong napakalinis na tao na kung makapagsalita sa mga nagkasala e wagas. assuusss ka imbyerna. kaya kung minsan kampi pa ko dun sa nagkasala/nagkamali e. 
Ika nga ng nabasa kong komento “ It’s the weird thing about some Filipinos: they’re immensely proud of other Filipinos getting international (good) recognition, but they’re also the first to denounce fellow countrymen who failed. “
——-
Di ako malinis/nagmamalinis ha. sadyang nakakaimbeyd lang yung mga “Malilinis na tao” e
PS.
But anywayssss, Lemme share this to you. :p A real life Hanamichi Sakuragi. CCOOOOOLLLLL! :D

7/27/11

7/18/11

Wanted: Kasambuhay sa Habambuhay

“Sama tayo rally, walkout sa Tuesday 1pm.” Text ko kay Jao, na pinorward ko na din sa iba na sa tingin ko ay may pag-asang sakyan ang trip kong  ito. Bago pa man pumasok sa kolehiyo, e nasa hindi nag-eexist na to do list koi to. 3rd yr hs ata ng medyo nangarap akong maging aktibista. Ewan ko ba, parang may something na force na ewan, pag nakakakita ako ng may nagrarally (yung nagmamartsa) hindi pwedeng hindi ako mapatigil. Siguro may inner warrior in me, o baka sa past life ko e aktibista pala ko, o baka naman dun ko pala matatagpuan ang nakatakda para sa akin. Hahaha echos lang.
Kidding aside (Yes, meganon) Meron na akong nag-eexist na to-do-list ngayon, para sa taong ito lang. Naisipan kong gumawa nung new year, habang yung iba e New Year’s Resolution ang pinagkakaabalahan, ako “mga bagay na gusto kong gawin ngayong 2011” naman. Wala lang, baka kasi magkatotoo yung 2012 rapture eklat o di kaya ay may cancer ang drama ng lola mo, tuma-taning ang buhay.
Sa totoo lang nalulungkot ako at nabubwiset. Sa dinami-dami ng kaibigan ko ay wala naman akong makasama para gawin yang to-do-list na yan. EHEM! Nakapagtataka, sanay naman akong mag-isa (yeehheessss dumadrama) pero syempre gusto ko may kasama, para mas masaya. The more the manyer nga diba!!!! So, gusto ko talaga sumama sa walkout sa Tuesday, kaso (hay ang sakit itype nito) malamang e (hingang malalim) hindi ako makapunta. (hingang malalim uli, medyo maluha-luha ang mata) Gusto ko din pala manuod sa Cinemalaya kaso, (hingang malalim, kuha ng tali // bigti)
Kung pwede lang sana mang-arkila ng makakasama, kaso wala nga pala kong pang-arkila. Paksyet.

6/27/11

Ligo na U, Lapit na me



Salamat kay Pepe, sa Cinemalaya 2011, kay Aicel at kay Kuya RickƎn.


Pinost ni Pepe Diokno (feeling close ako) sa tumblr nya ang mga entries sa Cinemalaya 2011, tumingin tingin ako ng mga title na nakakatuksong panuorin at isa ang Ligo na U, Lapit na me ang nagustuhan ko. taktaktak search ng trailer at inistatus sa fb, ui guise nuod tayo nito. Nagtweet si Aicel, "Pero parang gusto ko munang basahin yung libro bago panuoden" ako napa-isip wow ay libro pala to date at naalala ang nakitang wall picture ni Kuya RickƎn sa fb ang picture nang kanyang bagong binabasa, ang Ligo na Ü, Lapit na me. Salamat sa trailer, kase kung hindi ay malamang wala itong "rebyu-rebyuhan" na to. Ilang beses ko nang dinadaan-daan, iniisnab-isnab at dinededma ang librong ito pag nakikita ko sa counter ng National Bookstore. Oo, hindi ako nahuhumaling sa cover nito, feeling ko pa ay may pagka-political chorva ang takbo ng kwento, at sa muli salamat sa trailer ^^ hehehe wala na kong masabi. Inshort hindi ako nakiliti sa cover. Haha meganon.


dundundundun. Eto na ang "rebyu".


Syempre, sa mga hindi nabasa ang libro ang unang nilang tanong sa nakabasa ay, "Maganda ba?"  as usual ang ang pwede kong maging sagot ay, Okay lang, Epek na! asssuuuuusss!


Sa unang chapter ng libro, hindi swak ang Okay na at Epek lang na comment ko. Maganda nga! pero may mga parte na feeling ko ay napakalayo na ng sinasabi ni Intoy o ng writer sa kwento. Freedom of speech. sige na.  nagpapaka Anton Hugo ako at mala-Intoy na den. Sungit-sungitan ang drama! Abeeer!
Maganda ang simula, pero sa pagpapatuloy ko ng pagbabasa ay hindi ko mapigilan ang aking sarili na umisip ng ibang tao. Haha. Hindi ko mapigilang hindi maisip si Bob Ong at ang mga libro nya at hindi ko mapigilang ikumpara. yayayatayatayataya blah blah blah. 
At sa pagpapatuloy ng pagbabasa ng libro ay, naisip kong ang sarap kakwentuhan ni Intoy. Hoy kawentuhan lang at hindi kalaro. hahaha Madaldal ako, pero siguro kung makakapagkentuhan kami ni Intoy ay sya palagi ang bangka. Kase naman may mas sense ang mga sinasabi nya kesa sa akin na palagi kong kwento sa mga HS friends ko pag nagkakita-kita kame "alam mo natae na ko sa school" yakyakyakitidak. Bawat sentence na nababasa ko ay, buhay na buhay ang aking imhinasyon. Salamat uli sa trailer, hindi ko na papahirapan ang sarili kong i-imagine kung gaano kapangit si Intoy. Hahaha Yun ang sabi nya sa sarili nya e. Hindi naman masama. Hindi naman pangit si Edgar Allan Guzman na gumanap na Intoy sa sinapelikulang libro. May itsura. Punyeta ano ang itsura ng may itsura? E lahat naman ng tao ay may itsura. Pagkabasa ko ng moment na yun ay, napa moment din akong hindi ko na gagamitin ang phrase na yon sa pagde-describe ng isang tao. Oo nga naman, lahat naman tayo ay may itsura, ang tanong lang maganda ba o pangit? O pwede na?


O sya sige ayoko ng makipag ututang dila, may plate pa kong gagawin.

Maganda ba yung libro?
Basahin mo. Iba-iba tayo ng panlasa. Ang masarap sakin ay pwedeng mapait sayo. Ang hindi masarap sakin ay baka maalat sayo. Sulit ang Php200 mo. Punong-puno ng letra ang libro kase medyo maliit ang sukat ng mga letra. Kung baga sa puno, hitik na hitik sa bunga. Hehehehe


Bakit may design pa ang mga panti? E hindi naman ito nakikita ng ibang tao?


PS. Feeling ko ay wala lang din kayong naintindihan, kase yung pananaw ko lang din sa buhay ang na-ishare ko. Hahaha Kase basahin nyo. May uuurrrrrmmmmmffffff kasi sa dulo yung kwento. Ayun na. Di ko na tatapusin, kase hindi naman lahat ng bagay ay may closure, o sa tingin ko, o sa tingin ni Intoy, o sa tingin ni Eros S. Atalia.

6/21/11

Road Trip 2011

Kanina habang kami ay tipsy pa naglalakad kung saan pwedeng kumain ng lunch. At ayown sa Iron Chef kami kumain nag-usap usap ng mga magagandang trip na pwede naming gawin. Pagkatapos naming kumain e naisip na lang naming mag grocery trip. blah blah blah e anong kagaguhan habang papunta kameng Ever ay mas na tripan na lang naming mag road trip hahahaha nag bus kami nagtanong san na ba ang pinakamalayong mararating ng Php25 Pasig daw edi call na kame. On the way to Pasig yung kasama naming freshie aya ng aya ng bumalik sa school. Hahahaha At dahil medyo traffic den e hanggang Edsa Shrine lang kami pero malapit na din daw pala dun yung Pasig eklavu. Epek lang nag CR sa isang mall na ewan. shemay yung mall na katapat ng Robinsons Galleria lupet lang walang ka utaw utaw. Hahahaha Feeling ko nasa isang video game kame at isa isang lalabas ang mga kalaban mala left for dead lang. Grabehan talaga hahahahaha taeng yon walang katao tao medyo creepy lang. At bumalik na kaming school on the way e putek ang daming pangitain na malapit na kaming mamatay. Tae yung isang nagnhihingi ng abuloy “Ingat kayo pauwe.” Hahahaha Fuck e halos ang topic din namin sa biyahe e baka may suicide bomber na kaming kasakay tapos ganon pa hinirit nya samen. isang oras at kalahati ata yung byahe namen, bwiset kasing traffic e nagkasala na naman tuloy ako ng maraming beses sa pagmumura. Mga 4pm nakabalik na kaming school at swerte din na yung dalawang subject na nag cut kuno kame para lang mag road trip ay di pala dumating. HAHAHAHAHAHA. THE END.


PS. Patawarin sa isang buong nakakaboring na paragraph. Isang bagsakan e. May natatawa pa kong naiisip na nagyari kanina, kaso ang feeler ko naman masyado para i-kwento pa iyon. :P Hahahahahahahahaha Tawa ko ng tawa ngayong araw malapit na nga siguro akong mag babay. BABAY.

6/20/11

Impulsive

Sinabi lang yan ng ka chat ko at naisip kong implusive den pala ko (at gaya-gaya ng term) Palagi na lang ilang araw bago dumating ang itinakdang araw na hindi ko din naman talaga alam kung kelan e puro na ko satsat ng satsat na “Magpapagupit ako/ Gusto ko na magpagupit” pero hindi sure kung kelan nga iyon mangyayari hanggat makita na lang na isang araw ay may bago ng kong hairdo. (nakalimutan ko na yung sasabihin ko) basta eto naiisip ko na namang magpagupit kaya wag na kayong magulat kung kalbo na ko isang araw, ewan ko kung may matitira pa sa buhok ko hahaha at gusto ko din magpakulay. Kulay red.