“Namimili ka [kasi] ng kaibigan.”
Matagal ng may nagsabi sakin nito, at hindi naman ganoon katagal para makalimutan ko.
“Namimili ka [kasi] ng kaibigan.” Bakit naman? Tanong ko. Dahil noong mga panahon na sinabi sakin yan, hindi ako naniniwala sa sarili ko na namimili ako ng kaibigan. Pero ngayon nag sink-in na sakin. Pumasok na sa isip ko at napag isipan ko na to.
Namimili AKO ng kaibigan.
Hindi halata. Oo hindi talaga halata dahil pati ako sa sarili ko hindi ko alam na ganyan pala ako, kailangan may magsabi pa sakin bago ko mapansin sa sarili ko. Sa totoo lang pag iddescribe ako isa sa mga palagi kong naririnig e “friendly” daw ako. Friendly kasi siguro lahat kinakausap ko. Lahat ng feeling ko e interesado o hindi man ang buhay kinakausap ko, kasi madaldal ako. Ipagpalagay na lang natin na kung sa lahat ng kinakausap ko e ituturing kong kakilala [kaibigan?] pero sa loob nung grupo na yon na kinakausap ko, merong taong mangingibabaw sa paningin ko at yung tao na yun yung MAS gusto ko kausapin, MAS gusto ko kilalanin at MAS gusto kong maging kaibigan. Sa loob ng grupo na yon sya ang hihirangin, sya ang pipiliin ko na maging kaibigan, gusto o ayaw man nya sa kin. Ipagsisiksikan ko yung sarili ko sa kanya hanggang sa marinig ko na kaibigan na ang turing nya sakin.
Magulo. Baka o sa malamang ay hindi mo pa rin maintindihan ang sinasabi ko.
Meron ngayong isang tao, na gusto ko maging kaibigan. Oo gusto ko sya maging kaibigan. Sa dinami dami ng tao sya yung napili kong maging kaibigan, kahit na hindi ko alam kung gusto ba ako nung tao na yun. Pag hindi kami nag uusap pinaplano ko na sa isip ko ang mga pwede naming gawin sa future. Planado na lahat, kung paano ko ikukwento sa kanya ang mga nangyayari sa buhay ko, sa pag babanatan naming dalawa, sa kung paano ko sya babatukan o sasabihan ng masama pag hindi nya ginawa yung gusto ko, at sa kung pano ko sya uutus utusan na gawin yung plate ko pati sa kung paano ako iiyak sa oras na mawala na sya sa mundo.
Sorry.
Sa mga taong naiwan at naechipwera ko dahil sa pamimili ko ng kaibigan.
Siguro darating din yung panahon na mapapansin nyo na lang na lumalapit na uli ako sa inyo. Pinapansin ko na uli kayo at malamang sa hindi naguguluhan kayo kung bakit ako bumabalik, sana maisip nyo na kaya siguro ako bumabalik kasi nauntog na yung ulo ko sa pader na baka yung pinili kong kaibigan e ayaw talaga sakin.
Pero sana wag munang mangyari yon, hindi sa dahil ayoko sa inyo kase masakit yun. Masakit yung mareject. Masakit malaman na yung taong gusto mo ayaw sayo. Masakit malaman yung palaging sinasamahan mo e ayaw ka pala talagang kasama. Masakit yung kausap mo palagi e ayaw ka naman pala talagang kausap. Masakit yung …
No comments:
Post a Comment