Sakto yung kanta dun sa feeling ko na "She dreamed of another life from another time."
Kahapon, ewan ang saya talaga just like the old times. Yung mga tao yung surroundings, lahat. Nakisama sakin yung araw para sa last day ko e maramdaman ko ulit yung matagal ko ng hinahanap na feeling, yung feeling nung dati, puro saya lang, kilig at walang problema. Yung sinag ng araw na tumatagos sa salamin na matagal ko ng inaasam na makita ko ulit, yung mga dati mong kaklase, yung mga kabarkada mo dati, yung dati mong guro, yung taong may something sayo at yung feeling nga na yun na muli kong naramdaman.
Yung lugar, 7th floor. Natataandaan ko sa 7th floor ko nun unang nakita yung kagandahan ng pagtama ng sinag ng araw sa salamin at sa kung anong ewan sa 7th floor ko din iyon muling nakita at naramdaman.Yung mga tao, parang yung dati uli, yung mga dati mong ka-block na hindi mo na kaklase ngayon nandon sila, nagkukwentuhan na parang dati lang. Yung mga laging mong kasama dati na hindi na nangyayari ngayon, e naulit muli. Ginawa nyo yung mga kadalasang ginagawa nyo dati.Yung guro mo na sobrang laki ng impact sayo na hindi nyo na nakikita dahil taliwas ang iskedyul nya sa inyo e nandon rin.Yung tao na sobrang mahiwaga sa iyo na hindi mo na rin nakikita ay nakita mo uli makalipas ang pitong buwan.
Yung lugar kung saan nagsimula ang lahat kung bakit kayo nagkawatak-watak. Doon mo sya muling nakita, kasama ang mga nakaalitan mo ng dahil sa kanya.
Yung feeling na mapapa-isip ka, coincidence?
March 21, bumalik ang lahat, sa huling araw mo sa iyong unang taon sa kolehiyo. Ang huling araw mo sa gusali, kung saan mo naramdaman ang lahat nang iyan.
Napaka gandang pabaon sa iyong huling araw sa lugar na iyon.
Only Ones Who Knows
No comments:
Post a Comment