Narinig ko lang sa tv. As of the moment. TV5. Hay.
Nung una pa man, hindi pa ako nadidikit sa larangan ng sining (naks hehe) pinangarap ko ng maging isang writer.
Na-inspire ako sa kaibigan ko na mahilig magsulat. Short love stories ang hilig nyang isulat. Natatandaan ko, pinilit ko pa syang gayahin. Ang lakas pa ng kumpyansa ko sa sarili ko kasi “true-to-life-story” ek-ek yung sinusulat ko, pero OLATS ang pangit lang ng gawa ko. Hanggang sa nagsimula ako magblog.
Sa blog, kinukwento ko ang mga nangyayari sa buhay ko, kasalukyang nasa ikatlong taon ako sa high school noon. meron akong mga post na sobrang pinilit ko sarili ko maging “sosyal, di naman medyo conyo pa-english-english at may pagka taglish pero sa kabuuan e tagalog pa din yung nangingibabaw na lengwahe sa nasabing blog. Hindi ako magaling mag-ingles kaya naman hindi ko na rin pinipilit, at mas naeeksplain ko yung sarili ko pag tagalog. At mas maganda rin yung magkwento ka gamit yung sarili mong wika kasi nga mas maiieksplain mo yung sarili mo. hehe konek?
Hanggang ngayon, ilang beses narin ako napuri (naks hehe) sa istilo ko sa pagsusulat. eh? parang ang pangit pakinggan. ulet.
Natigil yung pagbblog ko na yon, isang buwan kong isinailalim sa Hiatus yung “blog” ko, at pagkatapos nun, ay nahirapan na kong ibalik yung pagkahilig ko magkwento. dsnfjsdkghrs basta ayun. tinamad na ko mag blog uli. tumigil na ko sa pagbblog nung 4th yr na ko. kagaya ngayon, tinatamad na kong ituloy tong blog na to. edit ko na lang sa susunod. :B
No comments:
Post a Comment