4/4/11

Colonial Kalokohan

“Bakit parang napakalaking kasalanan kung mali-mali yung grammar mo sa ingles? Pero bakit pag nagkakamali ka sa tagalog okay lang..” - Lourd De Veyra
Bakit nga ganun,dito sa atin sa Pilipinas pag may dayuhan na nagkakanda bulol-bulol sa pagtatagalog, e na aamazed pa tayo e kung minsan nga e naku-cute-an pa, pero pag may kapwa Pilipino tayong nagkakanda bulol-bulol naman sa pag-iingles e kulang na lang mamatay tayo sa panlalait o pagtawa.
Masamang bang hindi ka o ako o si Pacquiao na magaling sa pag-iingles? E natural naman syempre, lumaki ka sa lugar na 99% ng tao ay TAGALOG ang ginagamit na lenggwahe ( o kung ano mang dialect dyan sa probinsya mo)


Colonial Mentality?
Ah oo, kasi sa utak ng mga tao ngayon nakatanim na, na mas higit na maganda kung suot mong damit yung mga mamahalin, Zara,Mango,Topshop etc. Mas maganda kung sapatos mo ay Nike,Converse,Vans, at kung anu-ano pa na akala mo ay mamatay pag pinagsuot mo ng mga damit at sapatos na gawang atin, bakit mas pinipili pang magsuot ng suit kesa sa Barong. OKAY — Hindi ko din naman sila masisisi, dahil MISMONG dito sa atin e higit na mas malaki yung prsyente na mga galing sa ibang bansa yung binebenta, kasi nga kaya ganun yon kasi mas tinatangkilik natin yung gawa ng ibang bansa kesa satin, try nyo lang na wag bumili ng mga “imported” products at bilin nyo yung mga gawa dito malamang hihina yun at mababwasan yung pag-aangkat.

No comments:

Post a Comment